Monday, October 5, 2009

Architecturally thinking, Culturally Rejected: Discipline

para mo na ring pinahiya ang sariling lahi.

Kung idadahilan mo na gusto mong matuto ang mga Noypi na magkaroon ng malasakit sa mga facilities na gusto mong iplano, gawan ng disenyo, para ka lang nagdadrama sa harapan ng mga professor.

Aminin na natin. Mahilig tayo sa vandalism. Sa property damages. Kasi walang kaukulang matinding parusa na hindi ka lang matututo mula sa kahihiyan, kung hindi, pang habang buhay mo na itong dadalhin kasabay ng mga taong nakapaligid sa'yo.

Ang mga MMDA officers, pag wala sa paligid, ang mga jeepney drivers ibababa ka na sa maling bababaan. Pag hindi ka ibinaba sa tamang babaan, ang pasahero magmamaktol.

Ang mga security baggage checker, pag walang nakatingin, sos kahit wag ka ng magbukas ng bag.

Pag nakakita ka ng post na NO VANDALISM *on a cartolina paper posted on the wall* susulat ka ng permanent marker NO VANDALISM o SINABI NANG WAG KANG MAG VANDAL E

see? Masakit tanggapin na ang lahi natin ay walang DISIPLINA. Pano ko mabibigay bilang arkitektong STUDENT VERSION ang pinakamagandang design ng shopping mall musuem na posible talaga pero CULTURALLY REJECTED???

nakakainis. Maganda ang pananaw ng project. Pero Rejected ang concept. Kasi tayong mga Noypi ay walang DISIPLINA. Kaninang tanghali iniyakan ko ang nangyari. Although pasado ka. Pero pakiramdam ko binagsak ako. Kahit lang concept un, binago. Kasi hindi kayang ipagkatiwala ang design mo sa LAHAT LAHAT NG MGA PILIPINONG NABUBUHAY NA PUPUNTA SA MALL MUSEUM MO.

INIYAKAN KO ANG UGALI NG SARILI KONG BANSA

No comments:

Post a Comment