Monday, April 12, 2010

ILANG ARAW NA BA ANG NAKALIPAS SINCE..... AYUN

Photobucket

Tahimik ngayon ang aking buhay.



It's been months. And I don't know exactly the days count. I failed the defense. Marami akong hindi alam. Hindi alam dahil ako ay tinatamad pa.

Parang sakit. Sakit na matagal ko ng inuungol sa aking mga kaibigan. "Ranier... Hindi ko na makita ang sarili ko sa second semester.... Ranier..." 

Hindi ko alam na ilalaban ko ang hilaw kong utak sa harapan ng matatandang utak sa larangan ng aking kurso.

Habang ako ay nagpupuyat, hindi ko alam na nagaaksaya na ako ng panahon. Habang ako ay bumibili ng kagamitan, hindi ko alam na nagaaksaya na ako ng pera. Pero pinagkakasya ko lang ang lahat basta makatipid. Dahil na rin siguro, "alam ko na."

Umuwi noon dito si dadi galing UAE. Noon ay baguhang 5th year student na ako. Fresh one. Regular. Sa paggawa pa lang ng bawat chapter, umiiyak na ako sa problemang hindi ko kayang gawin to ng dibdiban. Sa mga nakakilala sakin noong bandang June, July, August dito sa myfacefriends, madalas akong magblog ukol sa hinanakit ko na hindi pa ako handa. Marahil nagsasawa na sila sa same old shout outs ko. Tanggap ko na noon pa na hindi ako isang magaling na estudyante. Ako ay may ugaling pagtitimbang sa pag-aaral.

Sabi ko kay dadi. Gusto ko muna itigil yung thesis ko. Tapusin ko muna ung minors and other majors, tapos next year na ako concentrated sa thesis.

Nagalit at lumuluha si daddy. Hindi sya pumayag. Alam ko. Maraming problemang personal ang bumabalot sa aming pamilya, dahilan na ako ay walang karapatang itigil ang thesis. Ibig sabihin, grumadweyt kana sa lalong madaling panahon!!

Syempre.. natalo ka na sa usapan. Umiiyak ako nun.. sobra. Kasi gusto ko talaga yung pinakamagandang plano kong naitaguyod sa loob ng kokote ko. Pero eto kasi sila. Kelangan na kelangan na. Nagmamadali. Nagmamadali.

Nagawa ko naman netong first semester.. Pero matapos ang first sem. Nakaramdam na ako. And i kept on punching the wall with my mind saying THE FUTURE IS BLURRY.

Galing sa status update ko sa facebuko, naghihimutok ako na nagsasabing BAKIT NGAUN MO LANG PINAPARAMDAM NA HINDI KA TLAGA PARA SAKIN? KUNG KELAN NSA DULO NA AKO... SAKA AKO NAGKAKAGANTO... T_T GOOD LUCK SAKIN.. SA FRIDAY

after my greatest crash and burn straight to the ground... i feel different. Well.. marami akong nararamdaman.

Pakiramdam ko ay sumugod ako ng walang armas. At napatay lamang dahil nadulas sa balat ng saging at nauntog sa sahig. Though, alam ko na ang lahat ng mangyayari. Dahil sa nararamdaman kong hindi talaga ako handa. Hindi ako kailanman naging handa sa defense. Natapos ko lahat ang drawing requirements. Para ano? Parang plate lang na ipapasa? Wala akong maramdaman noon kundi blangko.

Sa harap ng mga jury ay tinanggap ko ang sinabi ng prof namin na "You know nothing about architecture!" Tinagusan lang ako ng bala. Pero ilang bala ba. Baka machine gun ginamit. Tinagusan ako sa utak.

Tinatanggap ko ngayon ang salitang tanga bobo takot duwag sa lahat ng taong mangangahas na sabihin sakin to. Paki ko sa salita nyo. Masarap din naman maramdaman ang pagkakadapa. Dahil hindi tulad nila na nagpapanic at halos mamatay sa sobrang takot na magkamali sa buhay.

Til now, while cleaning my room, washing my clothes, kahit sa pagkain, minsan naisip ko. Bakit hindi ako nagsalita sa harap ng mga hurado bago magsimula ang lahat ng gisahan: SIR MA'AM PWEDE BANG 'WAG NA AKONG MAGDEFENSE? 

Paglabas ko ng room ay blangko lang ako. Sa harap ng mga sumuporta sakin ako ay tulala. Parang walang pakiramdam. Under drugs pa ako nun. Naka anti stress pa ako. Pero kelangan kong umiyak. Kelangan. Habang anjan pa sila sa harap ko, kelangan ko ng umiyak. Pero tinatanong ko. Kung hindi naman kayang lumuha, bakit kelangan kong umiyak kung wala ka naman nararamdaman na lungkot nung mga oras na yon?

Umiyak parin ako. Unti unti akong nagigising sa katotohanan. Unti unti kong nararamdaman ang pag-ulan, na nababasa na pala ang damit ko. Hindi ako isang architect in blood and in mind. Isa lang akong draftsman. Isa lang akong draftsman. Isa lang akong renderer. Isa lang akong illustrator. But never an architect.

I need time. I need greatest time that time itself will ever offer. A time under pressure. Pero for sure, this time shall be rendered lang dapat sa thesis. Huuuuurgh..

Dad said wag mong dibdibin ang nangyari.  Talagang ganyan ang field natin. Natin? I was never an architect dad.. 

Sa kabilang banda.. gumaganda ang hitsura ko.. ano? hindi..
Gumaganda ang pakiramdam ko.. Nakakapagrelax ako. Naaayos ko kaagad ang mga grades ko para next year maging ok na ang evaluation ko. Napaghahandaan ko ang mga dapat kong gawin. Ang pagbabasa ng libro. Pagbibigay ng 

Alam kong tamad naman talaga akong tao. Isang "Let it be" kid.

But for sure. I won't let this one slip out of my hands again. This time given to me, is for thesis only. Atleast natupad yung gusto ko. Yun nga lang, bakit kelangan ko pang madapa muna bago nila malaman na sugatan ako.

Hehehe... Pangarap kong matapos ang pag-aaral ko, then enroll ng panibagong course. This time, yung gusto ko na. All about geography and natural sciences. 

No comments:

Post a Comment